Saturday, June 21, 2003

Wala pala si Roel, nasa Iloilo kaya malabo tayo mag Buzznight. Speaking of Iloilo, Si Jay ng Kamikazee nasa Millenia pala nung patapos na yung gig nung Thursday. Sabi nga niya sakin, papunta sha ng Iloilo that night. May hinihintay lang. Balak pa nga daw nila mag Boracay after. Sana naman hindi na sumama si Roel dun para tuloy ang gig natin sa Monday.

Sayang yung Buzznight pero ok lang rin. Wala naman kasi tayong practice so malabo tayo mag acoustic lalo na pag yung mga tahimik tutugtugin natin. Ako mismo feeling ko nakalimutan ko narin mga yun. Kadiri naman kung i acoustic natin yung mga maingay.

Ralph texted me this evening. May picture daw tayo sa bagong PULP pero isa lang. Siguro yung sa Summer Slam.

Napa develop ko na pictures natin sa St. Benilde saka yung pic namin ni Selena sa last gig natin sa Millenia.

See you all on Monday!

No comments: