Wednesday, June 01, 2005

welcome kiel

sa wakas, kiel. salamat sa pag-post mo dito. at ang tapang ha. meron ka pang personal chuva na nagaganap. hehe.

ba't wala ka na sa phil. violators? sayang din... ok yung performance niyo sa rajah sulayman. dahil nga lang ba sa age? naku, may ganun din naman na dilemma sa candy eh. hehe.

anyway, sobrang ok nga yung gig natin last buzz night. sana maging mas active pa tayo at makagawa ng mas maraming kanta, gamit ang mga kakayahan ng kasalukuyang line-up.

trivia lang: nakalimutan ko yung wallet ko sa bahay kanina. eh nakasakay nako ng bus sa buendia papuntang paseo. gud lak. kinailangan kong bumaba dahil kulang pa sa P5.50 yung pamasahe ko. ni hindi pako makasakay ng jeep. buti na lang, burara ako at may nahanap akong nakakalat na 3 P5 coins sa bag ko. hay. kaya lang, alas otso pa lang at pawis na pawis nako. ang baho ko tuloy. ako pa naman yung "mabahong mestiza" sa opis... e di lalo pang mare-reinforce yun. yehey. pero okay lang. di naman ako late. kaya lang wala na akong pang-breakfast. gutom nako.

sabi nga ni madam auring: "archie, kish tayo!"

No comments: