tuwang-tuwa si dennis kasi wala daw patama sa kanya...
magdadagdag lang ako ng ilang mahagang impormasyon tungkol sa mga nabanggit mong mga kainan...
marlets (tondo): "mura na madumi pa", "sa lasa nagkakatalo". ito ang isa sa mga dahilan kung bakit ako lumobo ng ganito. masarap lahat ng pagkain dito lalu na yung sinangag. kaka-iba. kung ang KFC ay may ilang essencial herbs and spices sa manok, ang sinangag naman sa marlets meron din, pero huwag nyo nalang alamin. basta kain lang ng kain.
statistical highlight: dennis and charles tig-apat na rice, si charles 2 itlog... si kiel tatlong rice, si joel pigil ako naman 2 bote ng soft drinks... Most Popular Customer: dennis (halos magpustahan na yung mga attendant dun kung ilang ang oordrin nyang kanin...)
jollibee (welcome rotonda): badtrip dito. minsan kasi akala mo inaantok lagi yung mga crew... pero d bale, maliban sa pagiging "langhap sarap" nito... "sulyap sarap" din dito... although d kami nakakahataw sa kain dito kasi maraming distractions...
mister kabab (west ave. corner quezon ave): dito kami madalas kumain lalu na pagkatapos ng buzz night. dto rin kami nakakapaglaro ng trip to jerusalem lalu na pag nakaka-upo kami sa mga "strategic" na pwesto gaya ng mga dulo o kantong puwesto... eto rin ang tinaguriang "balwarte" ni charles sapagkat, tulad ng sinabi ni kiel, ginagamit nya ang kanyang buhok na parang pang "home-in" sa mga outgoing, in-coming at naka-sit-in na mga chiching sa lugar na yun... oo nga pala, pwede ka rin maglaro ng meron o wala sa lagur na yun... subukan mo itanong sa waitress kung meron silang ox-brain...
colassas (timog): recently lang kami kumakain dto. eto ang alternative namin sa kebab pag wala kami gaanong pera. churiso pa lang todo na. and laki, parang pang porno... sayang kiel, d mo inabot yung masamang ispirito dun. last week dinala kami nun sa langit. kapapasok pa lang namin nun eh parang nabasa nya agad sa mga muka namin na mga girl watchers kami... ewan ko ba kung bakit may making salamin dun... kita tuloy ng lahat yung pinakatatago kong bilbil sa batok... panalo din yung sabaw dun bottomless. dun ko lang nakikitang ang mala-asong ngiti ni dennis pag kumakain sya. may pangil pala itong si dennis?
ang aming koponan ay wala pang pangalan matino
centerpiece: Allan "d bigboy wonder" Montero
small forward: Joel " import" Gamiz
powder forward: Sir Charles "d man - yak" Majares
pointless guard: Kel "ng laki ng... nun oh!
preying (parang leon) coach/day-off guard: Dennis _________( fill in the blanks)
Dizon.
hay nako! buzz night na bukas, wala pa rin akong pera... baka d muna matuloy yung binabalak kong pakain... by the way bandmates, baka tumugtog muna tayo sa makati (mga 7pm) bago tayo mag buzz night this saturday. mag-aaya rin ako ng praktis sa sunday ng gabi. tapos tugtog tayo ng lunes sa 70's bistro...
No comments:
Post a Comment