ayuz yang mga post nyo ah. nakakatuwa!!! yung kay kiel, ang drama, yung kay dennis naman ang takaw... dennis, sabi ni joel naka 5 rice ka raw sa tokyo tokyo! lupeth!!! doon ba sa limang rice na kinain mo, naisip mo man lang kaming mga kabanda mo? malamang hindi... kiel, ganyan talaga sa candy, kailangan tumataba ka kahit konti lang para "in" ka. ang pagkain ng sama-sama as a band ang syang magpapatatag ng samahan natin bilang magkabanda at higit sa lahat bilang magkaibigan. yan din ang nagbibigay ng ngiti sa mga MATA at ningning sa LABI ni dennis.
si dennis kakaiba talaga. sinama ko sa birthday party ng erpat ng isa kong kababata. syempre may inuman at maraming pulutan. pero iba ang napansin ko kay dennis, parang d kumpleto ang ngiti sa kanyang mukha. palibhasa wala nang kanin. kanin lang ang pwedeng magbigay saya kay dennis. pustahan tayo, d kaya ipagpalit ni dennis ang kanin kahit tapatan mo pa ito ng PhP1,000,000.00... Laban o Bawi! KANIN!!!
okey lang yan dennis. malupit pa rin talaga si charles. halos mamatay nung isang araw dahil sa chikenjoy. akala nya d ko sya nahalata. patagu pa nung kumain, kita pa rin naman. at yung gagong yun dinrawing ako na parang si jollibee na mukahang bading!!! charles! alalahanin mo, hawak ko pa rin ang sweldo mo!!!
going back to my two new bandmates, masaya ako na masaya kayo sa pagiging candyaudioline. masaya rin ako kasi kung d dahil sa inyo, magmimistulang soft pillow kisses ang candy. meaning nandyan lang pero wala talaga. maliban doon, naging consistent pa rin ako sa target ko na "a new line-up must be FAR-BETTER than the previous one". bukod sa mas naimprove nyo pa yung mga songs in such a short span of time, mas higit na malakas kayong kumain kaysa dun sa dalawang pinalitan nyo. okey lang tumaba basta masaya!!!
No comments:
Post a Comment