Wednesday, June 22, 2005

gig tonight at mayric's

hey. medyo kinakabahan ako para mamaya kasi medyo pagod ako ngayon at di rin ako nakasama sa practice last sunday (sabi ni allan, gusto niya kasing mag-concentrate sa instrumental) kaya tuloy, slight lost ako ngayon. pero oks lang. excited din kasi makakatugtog uli. kahit papano, namiss ko rin yun. at excited din ako kasi medyo ang daming booking natin na nakalinya. excited ako sa UP kasi may pagkain tayo dun hehe, at kahit 3 songs lang tayo sa FOPC, di rin naman tayo mabibitin kasi may UPMBA gig pa tayo na medyo mas maraming kanta at mas maraming food and drink pa :)

medyo nababad trip lang ako dahil lagi akong pagod ngayon. Pano ba naman, ang aga aga ng pasok tapos medyo gabi pa yung candy activities, tapos sa kasawiang palad ay medyo malaman ako at kailangan kong mag-gym para makakain ng marami hehe. mahirap pala talaga magka 9-to-5 job at magbanda at the same time. kaya pala malnourished lagi si ralph dati (kaya lang, ba't di naman ako masyadong pumapayat gaya niya??? hehe). eto na nga't nasa office pako eh kanina pako dapat dismissed kaya lang deadlines, deadlines, deadlines...

hay. miss ko na nung nag-aaral pako. kaya lang, di rin ako pwede mag-aral ngayon kasi di ko alam kung anong aaralin ko. gusto ko ring magbakasyon sa probinsya. mga isang buwan hehehe. pero asa pa.

hemingways, wala lang. wala kasi akong maisip these days na relevant sa kendi blog kaya di ako makapagsulat lately. tsaka syemps, talung-talo naman ako sa mga entry nina allan at kiel haha :) so pasensya na kung pa-rant effect ako dito ngayon.

mmm. namimiss ko na yung squid and egg student meal ng mayric's. shet gutom nako. kitakits na lang mamaya.

No comments: