Thursday, May 19, 2005

Welcome Dennis!!!

ayos ka talaga... ikaw talaga ang hari ng kainan. biruin mo, unang post mo pa lang tip agad sa pagkain...

to everyone, si dennis nga pala ang bago naming gitarista malupit yan mag-gitara wala nga lang sa itstura... kilala yan sa maraming aliases eg. mulamon, boy abunda, wally, snuffalapagus, mini-me and christian (to mayshelle)... maliit lang yan mga 5'5" pero apetite yan pang 7'5"... d bale dennis, lamang naman sa iyo si charles ng isang itlog eh kaya sya pa rin and pinaka matakaw sa tropa.

marami daw ang nagmamahal dyan kay dennis pero alam ko isa lang ang nagmamay-ari sa puso niya. ito ay wala nang iba kundi and rice. ito lang ang nakakapagdala ng "close-up smile" sa mukha ni dennis. to quote him, "allan, aanuhin ko ang dalawang order ng liempo from andok's kung wala rin lang kanin"... tama nga naman sya... ang disiplina na ipinamamalas ni dennis patungkol sa pagkain ay maihahalintulad sas disiplinang iniuukol ng mga samurai, shogun at mga ninja sa kanikanilang field of martial arts.

yan si dennis... bow...

No comments: