O sige, aaminin ko na. Hindi ko na pinursigeng basahin yung link. So hindi ko alam kung ano exactly yung pinost galing sa blog natin. Tinatamad na ako. At pagod nako sa away sobra. Ano, babasahin ko na naman yung ibat-ibang taong hindi ko kilala na insultohin ako at ang mga kaibigan ko, ni hindi man nila pa ako nakakausap? Nge no. Been there, done that. I don't need to agitate myself anymore than I have to. I have bigger problems. Anyway, the issue is that the guy got pissed because of us. Fine.
Kung tungkol to sa huling post namin ni Ayn, ikeclear ko lang na 100% nun ay inside joke ng banda at ng mga kaibigan namin. Wala dun ay pambabastos sa kahalagahan ng May 1 o sa mga pinapaglaban ng Wuds. Kung nabastos man yung nagsulat... sori na lang siya, dahil walang kinalaman dun talaga yung nasulat namin nung huling post. It so happened na May 1 ngayon at fiesta kina Allan... and that's all that we were writing about. Too bad.
Now, if it's about the way I reacted to the audience one time we had a gig with the Wuds, oks lang. Wala naman akong paki. E sa di niyo kami nagustuhan. Ako, di ko naman type yung lahat ng banda na tumutugtog na napapanood ko pero di ko naman sila hineheckle. So ok nako dun... masaya na ako sa sarili ko. Kung di niyo kami gusto... sus... para namang napakalaking bagay nun. O baka kayo yung nasa Mayric's na tinapunan ko ng pinagsinghan kong tissue paper nung isang gig...? ;P
"Elephantiasis band"? Natawa ako dun at naawa ako kasi napaka banong hirit. Parang... nge. Sige. Sa mataba kami. Sa kamukha ko si Cris Villongco at si Matet (that only affirms what 10,000 people before this guy have said to me). Sa di ako magaling kumanta at di ako rinig. Alam ko na yun, no. Matagal na. Sa ganun magsulat ng kanta si Allan. Sa ganun kalakas namin gustong magpatunog. Sa yun ang trip namin. Nge. As if magbabago kami dahil lang sa pinost mo sa ibang forum tungkol samin. Marami na kaming nakaaway no. Ultimong sariling kabanda namin inaway kami... ewan ko, siguro ganun kami kasamang tao... feeling ko di naman. Disente pa naman kami, so far. Di mo naman kami kilala talaga, so di ka rin makakahusga, whatever politics you uphold. Di mo ako kilala, tsong.
On that note... hehe, wala na. Nagulat lang ako na may nagbabasa pa pala nito outside of our clannish, incestuous Buzz Night group. Tsaka, oo nga... nakakatawa na nagresearch pa talaga tong taong to ng mga masasamang sinabi natin. Mas masaya kasi siya sigurong nagiinternet na lang at maghanap ng mga away na ganyan kesa maglakad sa kalye. Pero ewan... di ko rin naman siya kilala eh! HAH!
No comments:
Post a Comment