Tuesday, March 29, 2005

remembering (this feeling) summer

elo everyone!

summer's here and the heat is on... everyone's thinking about going to the beach or some other remote places in the country where the climate is cood like Antipolo, Baguio, Tagaytagay or SM Megamall... while others are set on making good use of the season for stress management, i on the other hand is faced with dilemna of weight management. oo aamainin ko na conscious ako about the way i look...

eto atin-atin lang ha... (",) nung 14 years old ako, ako ang William Martinez ng tropa (kasi ako yung pinaka matanda). nung mga 17 na ako, tawag sa akin Keempee, ewan ko ba... samantala yung mga kalaro ko naman sa basketball eh "D' Captain" and tawag sa akin. d ko alam kung kamukha ko si PatrimoƱo pero d hamak naman na mas magaling ako dun. Lagi nga akong nagpapagawa ng jersie ng Pistons #10 (Isiah Thomas) kasi ganun ako maglaro... nung mga 21- 24 na ako John Regala naman ang tawag sa akin. one time nga, bumili ako ng softdrink sa tapat ng bahay ng tutee ko bigla nalang may maraming tao sa likod ko at may isang dalagang lumapit sa akin at inabutan ako ng pentel at papel. akala ko magpapa-tutor, yun pala humihingi ng autograph. sabi ko "bakit?". Anyun nag-tampo... sabi pa nya "ang yabang mo pala John Regala!" d ka naman sikat ah! napahiya pa tuloy ako... kahit paulit ulit kong sabihin na hinda ako si john regala eh ayaw maniwala... hay naku! those were the good old days...

Ngayon, kung di Uncle Fester o Majinbuu eh Salbakuta naman... may mas bago pa nga eh... "Jopay" daw... Nung huling rakista sa marikina, may nagpa-sign pa ng autograph. Ako naman si gago eh pirma naman... Nilagay ko pa "CandyaudioAllan". tapos nagpasalamat yung guy at tinanong ako kung saan pa yung mga tugtog ng Mayonnaise. Ayuzzz. napangiti nalang me...

anak ng fotah!!! pag pumayat ako... huwag na huwag nila ako matawag-tawag na Vruce Dillis kundi, kukurutin ko sila sa zingit...

Pahabol...

to Selena and Ayn... nanunood din ako ng National Geogrphic pero nas gusto ko Cinema One...

to ayn... Sunsetdrive lang naman ah and besides hindi si Speedy Gonzales or Bugs Bunny ang singer nila...

to Selena... ako din naman ah... nasira lang kasi itong monitor kaya di ako nakapag-post... Short Time Big Time!!!

my opinion on last buzz night...

The Sandcastles - Do you need my help?
Matilda - I liked the first song pero the rest... not my cup of coke... sorry
Bagetsafonik - Kung Pwede ko lang kayong bilhin para exclusive na kayo sa The Buzz nites...
Candyaudioline - Dalawa na ang kalbo dun...
Sunsetdrive - i'm very glad the bumalik na yung dating tunog nyo...
Populardays - Sumingit na nga sa tether tapos ganun lang yung set... disappointed ako... Senela's
right, mas maganda yung mga songs nyo sa kinocover ninyo. sa back to the edge
nyo nalang gawin yung ganun...
Tether - alam na ng lahat na magagaling na kayo pero d pa nila alam na malalakas kayong
kumain at mas manyak pa kaysa Populardays.
Superminty - practice pa tayoh ha!!!
My Science Project - Kailangan nyo talaga ng tulong ko... Problem number 1... yung singer nyo!
kung may practice ng kayo, isama nyo ako at aayusin ko yang ga kanta nyo...
buti nalang magaling yung keyboardist nyo.

to the people who grazed Buzz Night last Holy Wednesday, THANK YOU very much...

the next buzz night is on the 23rd of april...

4 comments:

Anonymous said...

fafa allan!!! alam mo, i feel for you. nung kalbo ako ng college, uncle fester rin nick ko nun. and yes, like you, conscious rin ako sa weight ko. since jan 1, mas napadalas ang kain ko ng gulay at nag-cut down ako sa baboy at karne at nag-cut down rin ako sa softdrinks by 90%. so far ayun lang.

thanks sa comment! we're still in the restructuring phase, but we hope to get better. sidebar: speaking of "emo", i already replied to selena about our say. we're not offended by the word, after all, we got our start dun. di na nga namin alam ano itatawag sa amin e. :) we've had probs playing with our contemporaries, playing in their gigs kasi WE'RE NOT "EMO" ENOUGH. :)) we ain't gonna contest ourselves with them, it's what we play, so if we don't fit their expectations, bahala sila. kaya i'm glad na we're part of buzznight.

about the buzzbands, i was surprised with superminty! you should play more. you should also boost tether. makatikim naman ang radio ng iba... popdays... ano pa bang sasabihin ko tungkol dun? :))

to the new bands, let's hope to keep buzznight a variety. di man new or refreshing ang tunog nyo, just be honest with what you do.

sidenote: ang hilig ko discovery travel & leisure. kung walang maganda sa ibang channel, you would find me stapled to that channel. lalo na pag saturdays while washing and folding the laundry. mula nung dumating ang shaman king sa cartoon network, musical guest na lang naaabutan ko kay conan sa etc.

yun lamang,
ekongsunset

False Prophetess said...

"to ayn... Sunsetdrive lang naman ah and besides hindi si Speedy Gonzales or Bugs Bunny ang singer nila..."

Sinong "speedy gonzales"? Skrewups ba to? Emo ba sila? Obviously punk sila--but I don't think they're emo. And definitely they're not one of them so-called commercial sounding emoheads :) Speaking, nakasabay ko sila sa isang punk gig months ago ah. He he. Ba't di na sila nag babuzznite? Ask 2ts to let them play :) Nawala ko cell numbers nila eh.

And who the hell is "bugs bunny"? Di ko ata kilala yun :)

IBALIK ANG EINSTEIN CHAKRAS!

~Ayn

selena said...

i think wala siyang tinutukoy na tao when he said "speedy gonzalez" and "bugs bunny"... tingin ko, yung paraan ng pagiipit ng boses. hehe. tawa nga ako ng tawa nung nabasa ko...

inaway ako ni allan kanina sa phone, huhuhu... :(

False Prophetess said...

Ha ha ha! Akala ko dahil sa mukha. Ano ba yan. Alam ko kasi may tinatawag na speedy gonzales si allan before. I just can't remember kung sino. That was during the time nung nakakasabay natin ang skrewups.

Di naman ata lahat ng emo tunog pilipit ang boses. I believe some respected punk bands like Hot Water Music (alongside Rites of Spring, Embrace, Ignition etc--from early 80's) were considered emo and if I'm not mistaken they were one of the first emo bands before the commercial ones started sprouting everywhere like some deadly virus or something. At hindi pilipit ang boses ng singer ng HWM.

Wag kayo mag away, malapit na tayo mag beach. :)