...ang oras at apat na taon ko.
ganun lang pala kadali yan. porke di ka na makaka-text at magparamdam e ibig sabihin nawalan ka na ng interes sa bandang pinag-aksayahan mo ng panahon at pera sa loob ng apat na taon? dahil ba hindi na banda ang pinagkaka-abalahan at inaatupag mo ay nawalan ka na ng interes na tumugtog?
oo, hindi na ako nagtetext. oo, hindi na ako nagpaparamdam. pero natanong nyo ba, o naisip man lang, kung bakit? pwes, para malaman nyo, wala na akong telepono ngayon. isang buwan na. nasira ang cellphone ko nung binaha ang bahay namin dahil naiwanang nakabukas ang gripo habang tulog kami. mahirap paniwalaan, pero nangyari yan. at para din sa inyong kaalaman, nawawalan kami ng tubig araw-araw at gabi lang bumabalik. dahil sa pag-aantay naming bumalik ang tubig nung gabing yun e naiwanan naming bukas ang gripo at madaling-araw na nang malaman namin. baha na ang bahay namin. sa awa nga ng dyos e walang nakuryente sa amin.
yan na rin ang "pinagkaka-abalahan" ko ngayon... ang mag-imbak ng tubig sa disoras ng gabi. kung mamalasin talaga at di babalik ang tubig, bababa ako at pipila sa gripo sa ilalim para me gagamitin kami kinabukasan. nakapunta na kayo sa bahay ko di ba? nasa ikatlong palapag kami. isipin nyo kung gano kahirap at nakakapagod ang magbuhat ng timba-timbang tubig paakyat sa amin. alam nyong ako lang ang lalaki sa bahay namin. mabuti sana kung sinlaki ninyo ang katawan ko.
at hindi rin na nagpapaka-importante ako, pero minsan ba e naisip nyong puntahan kami sa bahay para lang kumustahin? kung talaga ngang ka-pamilya at hindi lang ka-banda ang turing nyo sa akin e di naman siguro mahirap na dumaan kayo kahit minsan para tingnan kung buhay pa ako.
marahil ay iisipin nyo na online naman ako palagi... ba't di na lang ako magsulat dito? siguro kung hindi tambak ang trabaho ko, magagawa ko yun. kung wala akong hinahabol na mga deadline at wala akong ginawagawang tone-toneladang report araw-araw e magagawa ko yun. ngayon lang ako nagka-oras para sumilip dito, at ito pa ang makikita ko?
kung ganun kadali para tumalon sa isang konklusyon na wala namang pinagbabasehan e mas mabuti pa sigurong ako na lang mismo ang aalis. hindi ko na kayo pahihirapan pa, at hindi ko na aaksayahin ang oras nyo. tutal, sa inyo na rin mismo nanggaling yan - kayo lang ang candyaudioline.
No comments:
Post a Comment