sabihin na nating "presumption" nga yun, it could have been delivered in a much more subtle, civil, and unoffensive manner. kilala nyo ako. hangga't kaya kong tumugtog, gagawin ko. kahit pa kelangan kong dalhin ang gitara ko sa opisina at makipagsiksikan sa mrt pag me tugtog ng weekdays, gagawin ko. ganyan ang ginawa ko nung huli nating tugtog. yan ang dedication ko. and then, i log in here for the first time in months kahapon at yun pa ang makikita ko?
"as for what has been happening with you lately, wala talaga kaming idea... you could've texted or posted." - i've stated my current status in my previous post, pero para malinaw: wala akong cellphone ngayon. kaming 2 ni charmaine actually, until kahapon nung nakabili na uli cya ng telepono nya. yung luma nya, naiwanan sa taxi and a week later, yung sakin nabasa. sa ngayon, nag-iipon pa ako para makabili ng bago. kahapon ko nga lang din nalaman na namatay na ang huli kong lolo, at last week pa tawag ng tawag yung parents ko sakin. and i could've posted, yes, kung di gabundok ang trabaho ko.
pero bakit kelangan ako lang ang gumawa ng effort? you could've met me halfway. gaya nga ng sinabi ko, hindi naman siguro mahirap ang dumaan sa bahay namin para mangumusta. nagawa nyo na yan dati, why not now? ano ba naman yang 10, 20 or 30 minutes of your precious time? alam kong busy din kayo. pero ako, hindi ko alam kung nasan kayo kung gustuhin ko mang makipagkita. i don't know where to start. but all of you will and should know na nasa bahay lang ako most of the time dahil me pamilya akong inaalagaan.
that could've made the difference. you could've assumed and posted here na:
a. nasa bahay lang ako at nag-aalaga ng bata, or
b. nasa bahay lang ako at gumagawa ng raket ko
instead, you assumed and posted na dahil hindi na ako nagpapakita, nawalan na ako ng interes sa banda. that, for me, was the biggest slap on my face. hindi ako mag-aaksaya ng oras, pagod at pinaghirapan kong pera ko kung mawawalan lang ako interes o tiwala sa banda. hindi ko pahihirapan ang sarili ko para gumawa ng website para sa banda, o mag-upload at mag-upload ng mga kanta natin. kung wala nga akong interes, hindi ako magpapraktis mag-isa sa bahay ng halos lahat ng kanta natin para lang sa susunod na praktis o tugtog ay kaya ko pa ring tugtugin ang mga ito.
you can question my status, but don't ever question my passion and loyalty because i always have given my 101% to candyaudioline kung musika ang pag-uusapan. pero after what i have read here yesterday, whatever passion and dedication i have for candyaudioline now seem to have faded away. i didn't even bother scrolling down further - tuluyan nang nawala ang gana ko. at tuluyan na ring nawala ang respeto ko para sa banda. things will never be same, at kahit sabihin nating bumalik ako, iba na ang perception ko sa banda.
mabuti na rin to. at least ngayon, alam ko na kung san ako lulugar. hindi ko na pipiliting isiksik pa ang sarili ko. at least hindi na ako makokonsyensya kung hindi ako makakatugtog, makapraktis o makasama sa mga gimik nyo. pasencya na lang din if my focusing on my career and family lately have been a burden at nagiging rason pa kung bakit di kayo makatugtog. mahirap na ang buhay ngayon, at kelangan kong magtrabaho dahil ako ang breadwinner ng pamilya ko. unlike kina ayn, wala kaming pamilyang matatakbuhan dito pag nagkaproblema si thor.
ang sakin lang, isipin nyo muna sana not once, not twice, but a hundred times kung ano, kung tama at kung fair to all parties concerned ba yung ilalagay nyo rito. at sana, wag na wag nyo nang gawin yan sa susunod nyong gitarista.
this will be my last communication with you. i am hanging up my guitar and am passing the responsibility to whomever you will see fit. and with this, i am relieving myself of any association with candyaudioline. good luck.
No comments:
Post a Comment