Grabe Kiel, sobrang tawang-tawa ako nung binabasa ko post mo, kaya lang nakakaawa ka naman. Hindi rin kasi kaya ni Allan nung mag-practice kasi may fatigue din siya nun. Anyway, bawi na lang kami next time sayo.
Ako, weekend ko, ho-hum. Nagbirthday lang yung kaibigan ko nung Saturday tapos pumunta kaming Tagaytay kahit late na at umuulan-ulan. Parang Baguio nga dun, eh, ang sarap! It was cold and misty, tapos halos di na makita yung daan. Nag-rent lang kami ng sasakyan na sobrang ganda... napaisip ako tuloy na pwede nakong mangidnap ng tao at magspur-of-the-moment-outing kung may konting naipon.
For more musical relevance, natapos ko recently yung journals ni Kurt Cobain. Nag-iisip na tao pala siya. (That may sound patronizing of me, but I don’t mean it that way.) basta, narealize ko kung gaano ka overblown yung mga chismis tungkol sa kanya… and it also gave me a different insight on being part of a band. Kasi pag tumutugtog ka, whether it matters to you or not, people look at you and judge you, and most of the time, they’re dead wrong with their impressions. Eventually, maaasar ka rin sa ganyan eh, kahit na gaano ka ka-kebs kuno, feeling i-don’t-care-about-the-mainstream-anyway.
Solution: Shit. Naaalala ko pa nung nag-post ako tungkol ditto dati sa blog, roughly a year ago, at sinabi kong absurd talaga lahat. Parang lahat kasi ng musical morals (dito) napaka intangible, ever-shifting, always relative. Ganun din pala worldwide, but I think it’s worse here, as things usually can be.
ISa pa, narealize ko na I don’t really subscribe to a particular musical ideology. That’s not really new, and I bet Kiel and Dennis are the same way (or maybe not, hehe, feeling ko lang). Wala lang. Kasi, dati tinitingnan ko pa kung pwede pakong maging hardcore anything, tinatry ko pa yung genre kung yun na yun na talaga yung musical identity ko. Although I identify most with indie music, hindi ako masyadong matiyagang i-develop yung sensibilities ko (in Allan’s terms, that means finding your own finds without other people having to hand it to you). People like Allan and Cobain know what they like and don’t like, they know their history (which I still feel is very important) and they reject certain types. Time and time again, I’ve proven that gut feeling is what does the trick for me… minsan kahit 1/20 lang ng kanta yung trip ko (isang riff, isang line, isang kulot ng pagkanta), maganda na sakin yun. Lately kasi, nakikinig ako sa mga old favorites ko, tapos sapul pa rin. Naks, senti talaga ako.
Hemingways, yun lang. Hindi ko na ibababa si Cobain sa dingding ng kwarto namin. Kung hindi man ako super fan niya, I respect him because he was a somewhat decent person, which is more than I can say for others.
p.s. allan, yung nakita mo sa net tungkol sa candy, fake yun. Explain ko next time.
No comments:
Post a Comment