Thursday, August 04, 2005

paano na ang ating kinabukasan?

wala lang. nababahala lang ako sa mga nakikita ko. kayo ba hindi mababahala kung nagkataong napunta kayo sa isang concert at 90 plus percent ng mga tao dun ay naka-itim, mababaho at either mukang bangkay o mamamatay tao mapa-babae o lalaki. hay naku, twice ko nang naranasan yan at talaga namang nakakabulabog. lingid sa kaalaman ng marami na si yours truly ay mahilig mag-gagagala kung saan-saan. at sa aking pag-gagala, mahilig akong tumingin sa mga magagandang bagay tulad ng mga gusali, mga advertisements, billboards, punong kahoy, mga poste na nagtataasan, mga tao at kung anu ano pang mga bagay na maaring makakuha ng aking pansin. sa mga nakaraang taon, aking napansin na unti-unting gumaganda ang ating mga paligid at ang ating mga kababayan pero walang sinabi ito compared sa mabilis na pagdami at pagkalat ng kapangitan. eto nga ang ratio eh. sa bawat 2 maganda 100 ang pangit. sa kada limang matalino o magaling may 10,000 bobo at sablay. hay naku, at this rate, we are undergoing a negative progression. anu na kaya ang kalagayan natin 5 years from now? sino ba ang dapat sisihin? ang sistema ba ng edusyon? and media ba? ang ating pamahalaan? ang mga magulang ba? sining at kultura? ang ating mga kapit-bahay? mga ka-ibigan? mga ini-idolo? sino sa tinging nyo...

bakit kasi sa dinami-dami ng mga pwedeng sumakop sa atin eh bakit mga kastila pa yung pinaka-matagal lahat tuloy ng pangit na ugali nila nakuha natin. mula sa pagiging corrupt, mapang-api, mapag-samantala, mapag-lamang at higit sa lahat ang pagiging hipokrito at mayabang. what if mga japon o mga intsik ang nanaig? eh kung mga kano naman o mga taga-england? hanggang dito nalang muna ito. i'll leave it to any who reads this post to reflect on what we could have been now if the spaniards weren't successful in colonizing us...

No comments: