Monday, August 08, 2005

nakakatuwa!!!

wala masyadong nangyari itong nakaraang weekend maliban sa nakapanood ako ng isang album luanch, nagkaproblema ako sa isang alagang talent, at d nanaman kami nakapagpraktis ng mga kabanda ko. sensha na talaga kel at ayn. si mulams kasi eh.

grabe, nakakapagod yung m88 gig nung saturday. grabe, maliban sa tension na namamagitan sa iilang taong napapabilang sa tropang kasama ko. pero tuloy pa rin kahit na labag sa loob ng nakararami. mabuti nalang at umulan ng saksakan ng lakas kaya kahit na basang basa ang inyong lingkod at sampu ng kanyang mga kasama ay masaya kami sapagkat ito ang nagbigay sa amin ng pagkakataon para magkasama pa kami ng mas matagal at mapag-usapan ang mga hinaharap naming suliranin.

nang matapos yun ay naghiwahiwalay na kami. ang iba ay umuwi samantalang ako at 3 ko pang kasama ay nagpasya manuod ng album launch ng isang banda dala ng udyok ng isang kasama sa industriya. nung una, parang pakiramdam ko ay maiirita ako sa nasabing event dahil sa inaasahan kong mga taong sablay na makakasalamuha ko. nangyari nga yun. ANG DAMING SABLAY NUNG GABING YUN! lalu na sa press. lalu na yung isang lalaking kung magtanong ay para bang gusto nya ipahalata sa lahat na MAY ALAM SYA! chong eto lang ang masasabi ko sa iyo, SAKSAKAN KA NG UBOD NG WALANG KASING GAGO! BOBO! ISTUPIDO'T TARANRADO KA! nanghihinayang talaga ako kasi matalino pa naman yung banda, walang hangin at higit sa lahat ay may mga magagandang piyesa. naaawa ako para sa mga bandang katulad nila kasi walang MATINONG MUSIC PRESS dito sa PILIPINAS. pero kahit na paano ay masaya na ako kasi unti unti nang nagkakaroon ng matitinong banda ang ating eksena. mga bandang may sariling identity at hindi yung mga basta-basta nalang nakiki-uso. pinanuod ko sila mula unang kanta hanggang matapos sila at kumbinsido ako na talagang okey ang mga ito. may isa pang launch na nangyari nung gabing iyong na sinubukan kong pagtyagaan pero nakakadis-appoint lang. interview pa lang ay sumsablay na sila maliban sa isang banda (two-tone 80's ska ang sabi ng vox nila) na halatang alam nila kung bakit ganun sila. sila pa naman yung isa sa mga banda na gusto naming panuorin pero mukang late pa sila tutugtog. nagdecide nalang kaming umalis bara sunduin yung isa ko pang katropa at kumain sa isang masarap na kainan... hanggang dito nalang muna at pagod na ako...

No comments: