Tuesday, August 30, 2005

Buzz Night last Saturday

What made last Saturday’s gig great was the bunch of fresh talent that cropped up. It was fortunate, too. What would Buzz Night be without the last-minute lineup disasters we’ve come to know so well? Three of our regular bands, Popular Days, Tether and Sunset Drive, had to back out a few days before the gig because of unavailable members, the first band on the night itself, even. No matter… Allan somehow was able to get the elusive Shimmer and Nyctynasty to play, and the reliable My Science Project arrived to help us out, too, despite their own lineup hassles.

First up was newcomer Inhaler, who played some indie rock. I like the promise of how they play their guitars and the lazy vocals. It reminds me of some of the cool stuff that used to trickle onto MTV in the early 90s. Sigh, nostalgia trip hehehe. Also, one of the guys was actually a senior in my freshman year in high school, so I couldn’t help but remember those uncertain but exciting times for me. Side story: In our high school caf, there was this table way down in the corner that was exclusively for senior guys. One day, at lunch, one of my innocent batchmates put his tray down at that table and some senior guys arrived, indignant at this sacrilege. One of the guys mouthing off was the future Inhaler vocalist, and I think at that moment he epitomized that age-old “Seniors-are-gods” rule for me. Hehehe. I know this totally pegs him as a bully, but people grow up, believe it or not. Anyway, all seniors are dicks to freshmen. That’s the pecking order. By the way, Allan said they should do more stuff like their third song, the slow one… parang Teenage Fanclub daw tsaka bagay sa kanila.

Shimmer played next and I liked them. Their songs are a bit more conventional, but they have priceless moments within and I think some other people noticed they were good. I bet they could kick the asses of the current local popular bands if they hit mainstream. In any case, I was grateful they showed up at short notice and I enjoyed their set.

Soft Pillow Kisses followed. For once, they played early because Charles has work these days. Great set. They’re really in fine form now. It’s funny about that old Pulp issue Allan was talking about because shortly after that pictorial in 2003, Gilbert joined his mainstream band and the lineup was broken, so it was never fully realized, especially since Eloha “left” after that as well. So when we looked at the pic and saw that it was the current lineup, it really seemed providential. Wow. They’re doing well and are more stable as a unit. Good luck to you guys.

Kings and Pawns, find of the night from Las Pinas, did their thing after that. I really liked their lo-fi songs. It was very refreshing to hear a band like that at Buzz Night again. Plus, I love their attitude onstage. Just the right amount of indifference without the arrogance and hostility so weirdly revered in scenes in which you’d think they belong. True transcendence. I really, really wish they’d come back next Buzz. Really.

Nyctynasty followed it up with their “kinky core”… at least, that’s what Tether Beejay calls it. He played bass for them that night. They are amazing with their guitars, but what I can’t get over is how cute they were. You girls are just so damned cute. I know all this fawning over your appearance is probably going to make you puke, but I can’t help it. If I were a guy, I’d be in love with you.

Next, Candyaudioline played. Thanks to Joel, who risked a relapse of hypertension just to not let us down. Did a few unexpected songs and a few staples.
Finally, a three-piece My Science Project took the stage. Fighting Spirit Award talaga kayo. Although a lot of their songs had to sound really basic, I still enjoyed your set. Hope next time won’t be a short-notice thing anymore.

All in all, a good gig. Lots of promise and affirmation. We’ll work on it, don’t worry.

Monday, August 29, 2005

Hello Again!!!

been very busy for the past few weeks. so many things happened but with our phoneline busted, i wasn't able to post anything about it. here are some of the things that took place during the past few weeks.

liberation of sorts:

last August 21, Sunday, candyaudioline has lost it's bassist (again)! this time for good (or should i say the good of the band). during practice, we noticed that she was not "into the whole practice thing". i tried talking to her but she became more agitated (binagsak pa nya gitara ko!) according to her, she could not carry on being a member of the band because she believes (because of the recent line-up change) it was no longer candyaudioline. Shallow! if i were to subscribe to that belief eh di dapat nung 1998 pa lang nagpalit na ako ng pangalan. candyaudioline will always be candyaudioline as long as there are people who are willing to be a member of candyaudioline. people who'll contribute to it's longevity by virtue of friendship and 100% respect among the members themselves and to the band that they belong to.

Quick Recovery:

not affected by what had just happened. i talked with the remaining members telling them not to be affected by the words (most of which pertaining to them) which were uttered. obviously shocked and disgusted, kel and dennis assured me that they were ok. i told them that she's not worth it and that i'll back them up come what may. ang laki yata ng utang na loob ko sa dalawang ito and to joel and charles too. if it weren't for them di sana sidelined pa rin kami ngayon. we decided to go home. on the way we talked about the things that had just happened. lalu akong nainis sa mga nalaman ko... lalu na yung parang pinormahan nya si selena habang di ito nakatingin sa kanya dahil nga sa iniiwasan din sya. traidor talaga ano. na-realise ko na talaga palang pangit ang ugali ng taong ito. ilang beses ko ring na-witness yung pero d ko nalang pinapatulan. i parted ways with dennis and kel and they assured me na walang iwanan. Joel called up just as i arrived home which gave me an idea for a quick solution to our current problem. I asked him if he still knows some candyaudioline songs and he said yes. So I decided that we play the next day at mayrics kahit walang practice. And so we did and it was truly great… candyaudioline is still alive and well…

About Soft Pillow Kisses:

soft pillow kisses had a practice session last tuesday, august 23 in preparation for last week’s buzz night. We had a really great time going over old songs and trying to catch up with recent newer stuff. After the practice, I took the opportunity to talk to my pillow mates and told them of my intentions to keep the current line-up and rerecord all of the unreleased songs. So it’s official, soft pillow kisses is me, eloha, charles, lara and gilbert… hope this last (forever). Funny because selena gave me a copy of the pulp 2003 indie editition. As I scanned the article, I noticed that this present line-up was featured in that issue and that was 3 years ago. Coincidence or fate?

August Buzz Night:

I’ll leave selena to write something about this month’s buzz night. But here are some of my best recollections about the event.

Kings and Pawns was a revelation that night. A three piece band and was a real welcome sigh of relief for your’s truly. At first I thought they were like a cross between the strokes and franz ferdinand but by the 3rd song they were beginning to sound like joy division. They did 5 songs all written by the band themselves. I was so impressed. Thanks BJ.

Soft Pillow Kisses played one of the best sets we ever played. I think we mesmerized everyone who was inside mayrics and even ourselves. I pity those poor souls who wasn’t present that night.

Candyaudioline got the scare of the moment when dennis arrived with the news that Joel could not play bass that night because of hypertension. An hour later, joel showed up assuring us that he was ok. With no practice we went up stage and played of the most inspired and relaxed set we ever did. Thanks joel.

Nycty Nasty was another revelation that night. It wasn’t the music really, it was the 2 very young girls who were alternating lead riffs… parang lalaki yung dalawa magitara… you should see them for yourself. Maliban dun, pareho pa silang cute.

We missed populardays, tether and sunsetdrive… thanks to shimmer, inhaler, my science project, nycty nasty, kings and pawns, to my bandmates in candyaudioline and soft pillow kisses for saving the night from being a total let down. I’ve come to realize again that poor attendance can never ruin good bands who plays great music…

Tuesday, August 23, 2005

Buzz Night this August!

Buzz Night will be on the 27th of August at Mayric's, in front of UST. SHow starts at 10pm.

Featuring:

Candyaudioline
Popular Days
Tether
Kings and Pawns
Inhaler
Nyctynasty
Soft Pillow Kisses

Tickets are at P100 with one free drink.

See you there.

Friday, August 19, 2005

hi dennis

Hi dennis. Kumusta na? Totoo yung sinasabi ni Allan, medyo paralyzed siya ngayon dahil wala siyang pera. Dalawin niyo siya sa bahay, at least makakapanood pa kayo ng DVD ni Fernando Poe hehe. Pero wag ngayon kasi nasa Imus, Cavite ata siya mamaya.

Allan! Hope you're ok. Worried ako. Pramis, oks lang yan. Andito lang ako. Next time, hindi na kita paglalakarin hanggang second floor ng Megamall. Ako na lang ang bababa. Salamat sa tulong.

Anyway, Buzz Night is on the 27th.

Thursday, August 18, 2005

hello!

ui kmusta n kyo hehehe..ngaun lng ako nkapag internet nilibre pko ni joel ui sori nga pla nung last time kiel ehehe..ok lng yan kc minsan late ka palage ehh..hehehe joke lng anu n nga bang blita sa candy??..prang na stuck tyo ng matagal nde tyo mkapagjam ng mga songs na dapat ijam natin kc nde p nten alam ung iba pa db Allan!? kiss nga dyan hehehekk..c Allan naburo na daw sa bahay kc wla syang pera at wala syang kasama plage pero sabi nya sken knina babalik din ung mga kaibigan nya pag nagkapera na sya ulet...ehemm..oi Pong para sabihin ko syo madarama ka masyado gusto mong gawing kong sinturon ung patilya mo hehehe ui joke lng ahh..miss lng kita asarin namiss ko ng kurutin ung boobs mo hehehe prang ksing humahawak ako ng turumpo pghinahawakan ko yan antulis shiEt!!! ehehek...naku pnu b to ahhmm..ansarap pla ng lugaw sa marlets prang suman hehehe..pro nung una parang nandiri ako kc prang plema andilaw kc pero masarap pla ska ambigat sa tyan ahihihi..cge n nonesense n tong cnasabe ko praktis namn tyo minsan!!

Tuesday, August 16, 2005

patalastas

Hey, friends! Get up, go out and buy your very own copy of...

Image hosted by Photobucket.com

... out in stores NOW!

Woohoo!

Asteeg.

Wednesday, August 10, 2005

titulo

Grabe Kiel, sobrang tawang-tawa ako nung binabasa ko post mo, kaya lang nakakaawa ka naman. Hindi rin kasi kaya ni Allan nung mag-practice kasi may fatigue din siya nun. Anyway, bawi na lang kami next time sayo.

Ako, weekend ko, ho-hum. Nagbirthday lang yung kaibigan ko nung Saturday tapos pumunta kaming Tagaytay kahit late na at umuulan-ulan. Parang Baguio nga dun, eh, ang sarap! It was cold and misty, tapos halos di na makita yung daan. Nag-rent lang kami ng sasakyan na sobrang ganda... napaisip ako tuloy na pwede nakong mangidnap ng tao at magspur-of-the-moment-outing kung may konting naipon.

For more musical relevance, natapos ko recently yung journals ni Kurt Cobain. Nag-iisip na tao pala siya. (That may sound patronizing of me, but I don’t mean it that way.) basta, narealize ko kung gaano ka overblown yung mga chismis tungkol sa kanya… and it also gave me a different insight on being part of a band. Kasi pag tumutugtog ka, whether it matters to you or not, people look at you and judge you, and most of the time, they’re dead wrong with their impressions. Eventually, maaasar ka rin sa ganyan eh, kahit na gaano ka ka-kebs kuno, feeling i-don’t-care-about-the-mainstream-anyway.

Solution: Shit. Naaalala ko pa nung nag-post ako tungkol ditto dati sa blog, roughly a year ago, at sinabi kong absurd talaga lahat. Parang lahat kasi ng musical morals (dito) napaka intangible, ever-shifting, always relative. Ganun din pala worldwide, but I think it’s worse here, as things usually can be.

ISa pa, narealize ko na I don’t really subscribe to a particular musical ideology. That’s not really new, and I bet Kiel and Dennis are the same way (or maybe not, hehe, feeling ko lang). Wala lang. Kasi, dati tinitingnan ko pa kung pwede pakong maging hardcore anything, tinatry ko pa yung genre kung yun na yun na talaga yung musical identity ko. Although I identify most with indie music, hindi ako masyadong matiyagang i-develop yung sensibilities ko (in Allan’s terms, that means finding your own finds without other people having to hand it to you). People like Allan and Cobain know what they like and don’t like, they know their history (which I still feel is very important) and they reject certain types. Time and time again, I’ve proven that gut feeling is what does the trick for me… minsan kahit 1/20 lang ng kanta yung trip ko (isang riff, isang line, isang kulot ng pagkanta), maganda na sakin yun. Lately kasi, nakikinig ako sa mga old favorites ko, tapos sapul pa rin. Naks, senti talaga ako.

Hemingways, yun lang. Hindi ko na ibababa si Cobain sa dingding ng kwarto namin. Kung hindi man ako super fan niya, I respect him because he was a somewhat decent person, which is more than I can say for others.

p.s. allan, yung nakita mo sa net tungkol sa candy, fake yun. Explain ko next time.

Monday, August 08, 2005

nakakatuwa!!!

wala masyadong nangyari itong nakaraang weekend maliban sa nakapanood ako ng isang album luanch, nagkaproblema ako sa isang alagang talent, at d nanaman kami nakapagpraktis ng mga kabanda ko. sensha na talaga kel at ayn. si mulams kasi eh.

grabe, nakakapagod yung m88 gig nung saturday. grabe, maliban sa tension na namamagitan sa iilang taong napapabilang sa tropang kasama ko. pero tuloy pa rin kahit na labag sa loob ng nakararami. mabuti nalang at umulan ng saksakan ng lakas kaya kahit na basang basa ang inyong lingkod at sampu ng kanyang mga kasama ay masaya kami sapagkat ito ang nagbigay sa amin ng pagkakataon para magkasama pa kami ng mas matagal at mapag-usapan ang mga hinaharap naming suliranin.

nang matapos yun ay naghiwahiwalay na kami. ang iba ay umuwi samantalang ako at 3 ko pang kasama ay nagpasya manuod ng album launch ng isang banda dala ng udyok ng isang kasama sa industriya. nung una, parang pakiramdam ko ay maiirita ako sa nasabing event dahil sa inaasahan kong mga taong sablay na makakasalamuha ko. nangyari nga yun. ANG DAMING SABLAY NUNG GABING YUN! lalu na sa press. lalu na yung isang lalaking kung magtanong ay para bang gusto nya ipahalata sa lahat na MAY ALAM SYA! chong eto lang ang masasabi ko sa iyo, SAKSAKAN KA NG UBOD NG WALANG KASING GAGO! BOBO! ISTUPIDO'T TARANRADO KA! nanghihinayang talaga ako kasi matalino pa naman yung banda, walang hangin at higit sa lahat ay may mga magagandang piyesa. naaawa ako para sa mga bandang katulad nila kasi walang MATINONG MUSIC PRESS dito sa PILIPINAS. pero kahit na paano ay masaya na ako kasi unti unti nang nagkakaroon ng matitinong banda ang ating eksena. mga bandang may sariling identity at hindi yung mga basta-basta nalang nakiki-uso. pinanuod ko sila mula unang kanta hanggang matapos sila at kumbinsido ako na talagang okey ang mga ito. may isa pang launch na nangyari nung gabing iyong na sinubukan kong pagtyagaan pero nakakadis-appoint lang. interview pa lang ay sumsablay na sila maliban sa isang banda (two-tone 80's ska ang sabi ng vox nila) na halatang alam nila kung bakit ganun sila. sila pa naman yung isa sa mga banda na gusto naming panuorin pero mukang late pa sila tutugtog. nagdecide nalang kaming umalis bara sunduin yung isa ko pang katropa at kumain sa isang masarap na kainan... hanggang dito nalang muna at pagod na ako...

BAKIT???

HUHUHU!!! kawawa naman ako! isang linggo akong nahimpil sa aming probinsya na hindi naman kalayuan sa kabihasnan! pero at least nakapagpahinga ako ng maigi! Maganda ang tanawin kasi nasa hilltop nung bahay namin! nakakarelaks talaga! soundtrip lang! pero bigla kong na miss ang kabihasnan! at naisip ang aking mga banda at mga kbanda! grabe! kaya ngateks agad ako k allan kung kelan may praktis! sey nya bka daw kundi saturday e s sunday! e saktong uuwi ako ng sabado ng umaga para makita ang aking sinisinta!
Linggo nga hapon nagteks ulit ako k alln upang malaman kung may praktis ba at anong oras! sbi nya baka mga alas diyes ng gabi!
Alas sais ng gabi, hinatid ko ang aking sinisintang si deanna mae sa kanyang piitan...muli siyang ikukulong ng maraming panahon at patuloy na papayatin dahil sa pagod at puyat!
Oo ng ang piitan nga ni deanna mae ang pinaka una sa listahan ng Pinaka magandang nursing skul sa bansa ngunit hindi nman mganda ang kalagayan ng mga preso dun! para silang mga tautauhan!!! huhuhuhu kawawa naman!
Pasado alas syete nga gabi, tumuloy ako sa SM Manila para patayin ang nalalabi kong oras para bumiyahe papunta kina Sam( siya ang primitibong tao na taga bantay ng praktisan sa may Cubao). akoy nagliwaliw sa SM hangang ako ay mapagod! Lumabas ako ng SM at pumunta sa aming dating tambayan! sa Bonifacio Shrine upang sariwain ang mga nakaraan! kung saan kami ay nagkakasiyahan! Nakita ko dun ang dati kong mga kaibigan na skaters! tinanong ko sila kung bakit sila andun sa tambayan namin! e2 an aming napagusapan!
AKO: oi man! kamusta na kayo! nagiiskate pa rin pla kau!
SKATER NA GANGSTER: Oo nga e pasulpot sulpot pa rin kami dito kasi alm mo namang bawal na dito maglaro!
SKATER NA PUNK: Galing kami dun sa harap ng cityhall nakita kmi ng mga PULIS NA LASING pinaalis kami!
SKATER NA MAY ANAK: badtrip nga e! ngayon lang ako ulit maglalaro pinagbawalan pa kami! tumakas nga lang ako sa asawat anak ko e!
SKATER NA MAY PUTOK: e ikaw kel bakit ka nandito?!
AKO: HA ako? pumunta lang ako dito para namnamin ang mga bakas ng nakaraan! at sariwain ang mga panahong tayo ay nagkakasiyahan sa ilalim ng buwan!
SKATER NA MAY PUTOK: huhuhu(biglang naiyak!) ako nga rin e, kya ako nandito para sariwain din ang nakaraan!
SKATER NA GANGSTER: wag ka ngang umiyak skater na may putok, ka-lalaki mong tao iyakin ka!
SAKTER NA PUNKS: Gago! kahit anong sabihin mo kahit gangster ka pa at punks at minahal kita bilang isang katropa!
AKO: tumigil na nga kau at akoy aalis na! patungong Cubao kung saan ako may kapalaran pang naghihintay sakin!
ALAS nuebe bente ng gabi, akoy tumungo sa cubao upang puntahan ang kuta ng mga primitibong tao! at para makita ko rin ang aking mga minamahal na kabanda!
ALAS dites impunto, dumating ako kina sam, sarado na ang pinto, akoy kumatok at nasilayan ang ating pinagmulan,ang mga ninuno natin na bakas sa katauhan ni sam at kanyang kapatid, kinausap nya ako!
SAM: Ano me praktes kayo nela kalbo?
AKO: oo alas diyes daw!
SAM: Naku mamaya pa ung mga un mga kalbo un e!
AKO: hindi siguro mga 11 andito na un!
ALAS diyes y medya ng gabi ng maisipan kong miskolan c allan...
tumawag si Allan sakin;

ALLAN: Hello nasan ka?
AKO: dito kina sam?
ALLAN: HA! bakit?
AKO: dba may praktis tayo?

ALLAN: sabi ko baka may praktis tayo ng 10.
AKO: ay ganun?
ALLAN: oo, kc kanina ko pa kinokontak c dennis nakapatay pla ung cel nya! past 9 ko na xa nakausap!
AKO: cge ok lang...e pano yan?
ALLAN: Cge try ko nlang contakin c charles para jam nalng tayo ng pillow. tawag ako sau ulit!
AKO: o cge bye!
Makalipas ng mga sampung minuto! tumawag muli c Allan;

ALLAN: cge tsong uwi ka nlang pasensya na ah!
AKO: ok lang!!!!

kawaka naman ako! excited na e cxited pa nmn akong magpraktis at makita ang aking mga kabanda! ngunit akoy nabigo sa aking misyon!!! isang mapait na kapalaran pla ang naghihintay sa akin!!! wahhhhh!!!

SALAMAT

Thursday, August 04, 2005

Ahem...

Chaos is a necessary evil in life. Even if it isn't, it still exists and we can do nothing about its existence. Tatlo ang schools of thought when it comes to this subject.

Una, yung approach na chaos is a result of something "negative"--any act of wreaking havoc or anything unpleasant to the simpleminded tulad ng mga nabanggit mo;

Pangalawang approach, imposing order leads to disorder--meaning pag pinagpilitan mong kontrolin ang lahat ng tao mas lalo gugulo--ganito ata nangyari sa pag colonize satin ng spaniards pero ibang usapin na yung pag "exaggerate" ng mga pinoy sa mga masamang ugali nila;

Lastly, yung approach na chaos is necessary for "freedom and growth."

Dun sa huli ako naniniwala.

Sabi nga ni Carl Jung, "In all chaos there is a cosmos, in all disorder a secret order." At sabi ni Friedrich Nietzsche, "one must still have chaos in oneself to give birth to a dancing star." Sa Twilight of the Idols niya ata nabanggit ito but I still have to check my references kung dun nga. Basta.

Evident ito pag babalikan natin ang history--Ang US nagka Civil War para sa New World nila (o New Order), ang France nagka Bastille Revolution, ang Japan na bomba ng ilang beses... ano na sila ngayon?

Bata pa ang Pilipinas and I think it's too early to complain. Dumaan na ang 1896, pati Martial Law pero ewan ko lang kung masasabi kong nagkaron na talaga ng tunay na bloodshed dito.

Again--wala mangyayari kung puro angst nalang ang magiging approach sa isang bagay na andian na. Pero kung ganon ang trip mo, eh di yun. Ikaw ang bahala kung alin ka dian sa tatlong approaches sa isang bagay na andian nalang talaga.

"I am chaos. I am the substance from which your artists and scientists build rhythms. I am the spirit with which your children and clowns laugh in happy anarchy. I am chaos. I am alive, and I tell you that you are free."

-Eris, Roman Discordia

paano na ang ating kinabukasan?

wala lang. nababahala lang ako sa mga nakikita ko. kayo ba hindi mababahala kung nagkataong napunta kayo sa isang concert at 90 plus percent ng mga tao dun ay naka-itim, mababaho at either mukang bangkay o mamamatay tao mapa-babae o lalaki. hay naku, twice ko nang naranasan yan at talaga namang nakakabulabog. lingid sa kaalaman ng marami na si yours truly ay mahilig mag-gagagala kung saan-saan. at sa aking pag-gagala, mahilig akong tumingin sa mga magagandang bagay tulad ng mga gusali, mga advertisements, billboards, punong kahoy, mga poste na nagtataasan, mga tao at kung anu ano pang mga bagay na maaring makakuha ng aking pansin. sa mga nakaraang taon, aking napansin na unti-unting gumaganda ang ating mga paligid at ang ating mga kababayan pero walang sinabi ito compared sa mabilis na pagdami at pagkalat ng kapangitan. eto nga ang ratio eh. sa bawat 2 maganda 100 ang pangit. sa kada limang matalino o magaling may 10,000 bobo at sablay. hay naku, at this rate, we are undergoing a negative progression. anu na kaya ang kalagayan natin 5 years from now? sino ba ang dapat sisihin? ang sistema ba ng edusyon? and media ba? ang ating pamahalaan? ang mga magulang ba? sining at kultura? ang ating mga kapit-bahay? mga ka-ibigan? mga ini-idolo? sino sa tinging nyo...

bakit kasi sa dinami-dami ng mga pwedeng sumakop sa atin eh bakit mga kastila pa yung pinaka-matagal lahat tuloy ng pangit na ugali nila nakuha natin. mula sa pagiging corrupt, mapang-api, mapag-samantala, mapag-lamang at higit sa lahat ang pagiging hipokrito at mayabang. what if mga japon o mga intsik ang nanaig? eh kung mga kano naman o mga taga-england? hanggang dito nalang muna ito. i'll leave it to any who reads this post to reflect on what we could have been now if the spaniards weren't successful in colonizing us...

Wednesday, August 03, 2005

wag sa tag-board!!!

dear bandmates,

post naman kayo ng kahit anu... lungkot nanaman blog natin. lalu na ikaw dennis aka mulams, puro ka nalang tag-board... cge paalam muna busy ako eh... busing busy sa kapapahinga...

allan "pong" montero.