Friday, July 04, 2003

Kailan kaya tayo hindi makakasira ng gamit? Ayoko naman i-condemn si Roel sa ginawa niya last practice kasi guilty rin ako sa ganung gawain. Sabi ni Allan ako daw nagsira ng bass amp kina Mang Sam. Tapos kay Mang Jun, muntik ko na masira yung ilaw. At hindi ko na mabilang ang mga nasira kong amp sa tugtugan.

Dapat siguro may makagawa ng amp na para satin. Pero tama ba yun? Yung amp ang makikibagay satin? Pero tama rin ba na makibagay tayo sa amp? Naiintindahan niyo ako? Ako hindi ko kasi naiintindihan mga pinagsasabi ko.

Sige, kawawa naman ako. Kausap ko nanaman ang sarili ko. Itutulog ko nalang to.

No comments: