Basically, nakakabagot dito...
most of my time is spent on waiting and being annoyed at people...
i start my Day waking up with warm rays of sunshine on my face and shivering chills all over my body brought about by the obnoxiosly cold room temperature... blame it on the demon possesed aircom na kahit i-set mo sa low eh saksakan ng lamig yung binibugang hangin lalu na between 4am-9am in the morning...
dahil sa lamig, nakakatamad bumangon, buti nalang i have everything at a table beside my bed... Cellphone, yosi, lighter, ashtray, remote ng TV and Portable DVD player, bottled water at sari saring chicha from cookies to bread and chocolates... konting unat lang, abot kamay na...
i get out of bed usually 30 minutes to an hour after i wake up... syempre sulyap muna bintana ng Hotel para ipon lakas galing sa mid-morning sun... then ligo at balik sa kama sabay nood lit TV habang pinag-iisipan ko kung lalabas ako o hindi after ako tawagan mga mga taong kailangan kong kausapin... usually i get those calles between 9:30am to 11:30am... so by 11:30 sobrang wala nang sense ang pag stay ko sa hotel... kaya lang nakakatamad ding lumabas kasi mapapagastos lang ako, kung di sa kain eh sa taxi... kaya i usually decide on staying inside the room and just watch TV or DVDs... boring di ba... there was even a time na sa sobrang bored ko eh ginawa kong Pick-up Sticks yung binili kong cotton buds... haaaay... nakakalungkot din mag on-line kasi wala naman akong natatanggap na kahit paano from peolple i know... Buti nalang mabagal ang internet connection kasi napagtrirtripan ko nalang matuwa pag biglang bumibilis ang pag download ko ng kung anu ano...
sa sobrang nakatamad ng situation ko eh pati pagpunta sa katabing resto ay tinatamad na rin ako... mabuti nalang at may nakilala akong cook dun at pinadadala ko na lang yung orders ko dito sa kwarto... pagkagat ng dilim eh parang wala rin although nagiging mas marami at maingay ang mga tao sa labas... 2nd floor lang ako kaya dinig ko ng konti... for the past 3 days nagpunta ako sa iba't ibang malls pero wala ring akong napala... maganda lang at malaki ang mga ito pero walang ipinagkaiba sa atin...
minsan lang ako may kausap at kadalasan eh yung receptionist na pinay na nakaduty between 2pm to 11pm. yun lang lately eh parang di na kami makapag-usap gaano kasi yung mga ibang lahi eh parang binibigyan ng malisya yung ngitian at kulitan namin... iniwasan ko na rin kasi baka mawalan pa ng trabaho yung girl... eh mukang magtatagal pa ako dito kaya titiisin ko muna yung pagiging mag-isa ko...
hirap din matulog kasi nasanay ako na may kadaldalan bago matulog... buti nalang at kahit na paano ay may at least 7 mitnong channels dto at dala ko rin yung portable DVD player ko... oo nga pala, sa sobrang katamaran ko eh pumayat din ako ng konti...
Haaaay, nasira pa yung shoes at belt ko... ang papangit naman ng mga binibentang sapatos dto...
pag balik ng Pinas, magpaparty ako sa mga fave spots ko... Miss ko na bahay namin at ang mga kasama ko sa bahay... miss ko na rin mga kaibigan ko't ilang kakilala... miss ko na rin tumugtog...
No comments:
Post a Comment