Friday, February 09, 2007

Biglaang Gig...

Hello Hello...

Tumugtog nga pala kami kagabi sa TIP Cubao... Sobrang aliw dahil bukod sa maraming tao at maganda yung mga gamit, pinakanta pa namin yung isang friend namin na wala syang kamalay malay na seryoso akong papakantahin ko sya nung time na yun... Galing galing nga eh...

Selena was suppose to sing for us but she backed out at the last minute dahil meron siyang biglaan lakad. Eksakto naman etong si "Miss Freego Billboard Girl" eh nag-text at gusto raw nya sumama sa lakad ko that night... Sinudo ko "victim" at around 6:30pm sa may Muñoz area and we headed straight to TIP. Sa taxi sabi ko sa kanya na siya yung kakanta... Ayun, gulat na gulat ang loka pero kitang kita naman na gustong gusto... Yun nga lang pagdating sa venue, medyo nagulat kami sa dami ng tao so nag hesitate ako na pakantahin sya dahil baka magkalat. kahit sya rin eh medyo nasindak... Pero since makapal talaga ang mukha nito, hehehe ayun GO na GO si Ms. Billboard...

After 4 songs buhay pa rin kami... she did fine although there was a time na na-blanko sya sa "Flaming Walls" pero poise na poise pa rin kahit na nakatayo lang at mukha nang epal sa stage... ika-nga, medyo dinaan nalang sa ganda... Feel na feel nga nya yung pag pose habang may mga nagpapa-picture sa kanya... kailangan pa ng konting practice at magiging okey na okey na sya sa pagkanta...

Thanks Cuckoo...

2 comments:

Anonymous said...

just read what's been happening, man... sayang wasn't there. so far, we just had a live record, with our old drummer playing, para pagpractisan ng bagong drummer na ubod ng pagkabagito. we just got him kasi sya madaling mahatak. so, we're still looking forward to jam more. aside from me handling most of the probs sa band, i just quit my job rin kasi puro pulitika, so di ako maka excel somewhere. hope to be there to lift the buzznight flag with you again.

ekong

siegfriedo said...

thanks pare...

lahat naman ng problema may katapusan kaya d habang ganito eh ganyan nalang... labo yata ah... malungkot tuloy Valentines ko...