Thursday, December 17, 2009

Posting Spree...

malapit na ang Pasko... pagkatapos nyan ay New Year naman... 2010 na... anu kaya ang mga mangyayari?

hay naku, ang hirap na kumuha ng taxi ngayon... tapos yung mga barker boys sa amin eh ang gulo mang para ng taxi... sumaside-line na ang mga kumag... eh syempre iniisip ko na ako lang yung pinaparahan nila yun pala hindi... yung iba nakatago pa... cguro nga marami nang may pera ngayon kasi dati halos ako lang yata ang pumapara ng taxi dun sa sakayan sa amin between 1:30-3pm eh... pero ngayon marami na... ulti mo nga yung isang nakikita ko lang na magbebenta ng paborito kong isaw sa kanto namin eh naka-unahan sa pagpara ng taxi nung isang araw... syempre pinagbigyan ko nalang kasi may date daw sya...

buti pa sya, may date... kung sa bagay di pa naman masyadong malamig ngayon kahit nasa Mid-December na tayo...

kanina nga pala ay nagsimbang kabi ako... maaga sa amin eh, mga 3:30am kaya sakto lang sa abnormally abnormal sleeping habit ko... yun lang, naisip ni Father na para hindi antukin ang mga Parish Peeps sa misa eh minabuti nyang isa-awit nalang lahat ng mahahalagang bahagi ng mass... ayun, wala tuloy akong maintindihan sa mga pinag-kakanta nila kanina... binabagyo sa reverb yung timpla ng mga mic tapos medyo ma-low yung mga boses... nalala ko tuloy bigla si Dennis na di mabubuhay ng walang reverb... after nga ng mass eh napa-isip ako ng malalim... kalat na kaya talaga ang type ng music na pinakikinggan ko? yung approach ba sa pagkanta na dati'y dahilan ko lang para maitago ang mga walang ka-kwenta kwenat kong mga lyrics ah ina-apply na rin kahit sa mga awiting pang - simbahan? kung sabagay, malaki ang influence sa akin mga mga church hyms... yun lang paano nila maipaabot sa tao ang salita ng Dyos kung di rin maiintindihan ang kanilang mga tinatalumpati...

Hay naku... nakakalungkot tuloy...

Sana masaya ang Buzz Night this December 29...

3 comments:

Candy Woo said...

Masaya yang Buzz Night :) Excited na ako :D

'Wag ka na malungkot Allan (kahit na para sa akin forever malungkot ang pasko)

siegfriedo said...

Hehehe... Forever...

Candy Woo said...

Oo nga forever. Depressing ang Christmas para sa akin (chaka kase nakakastress) haha.