ano nga ba ang nangyari during the week that waz?
as usual... palala ng palala ang situasyon dito sa pinas! nagtataasan ang mga presyo ng kung anu-ano dahil ayaw kasi bumaba ng isa dyan!!! punyetang yan, halatang sakim sa kapangyarihan!!! syempre eto ang panahong kung saan ang mga tulad nyang sablay ay sasamantalahin ang situasyon upang magpapogi!!! punyetah talaga... pag magpalutoy pa ito eh baka mapilitan akong magbuo ng PANK BAND at tutugtog kami sa harap ng malacaƱang at sa tabi ng sandigan bayan... susulat ako ng mga pank rak song tungkol sa pagbabago, kapayapaan at pagkakaisa taglay ang aking gitara at mahihiram na granada... (ano kamo? WALANG NUKLEAR!!! talagang wala! malay naman ng pinoy gumawa ng ganun?) kadalasan, kapag ganito ang situasyon, naiisip ko minsan na maging SUPERHERO nalang... gusto ko, taglay ko ang lakas ni SUPERMAN, kapa ni BATMAN, spider sense ni SPIDERMAN, katawan ni HULK, boses ni FERNANDO PO JR. at mukha ni DAFFY DUCK para seryosohin ako. kakailanganin ko rin pala ang BRA ni DARNA para gawing goggles. alam mo naman dito sa pinas, madumi ang hangin pati na tubig, ayoko naman ma-side-line dahil sa isang eye infection... sana mapa-saakin na rin ang batong gamit ni darna nang sa ganun ay di na sya makapag-darna. kawawa ang mga nanunuod. nakakabobo!!! syempre mas malala ang KAMPANERANG KUBA pero given na yun kasi chanel 2. alam mo naman sa istasyong yan, umaapaw sa pera at kabobohan!!! tingnan kung sino mga pambato nilang artista, yung isa ex ng anak ni lovingly yours at yung isa naman (game na!) lagi, parehong imoral at walang kwenta... pustahan tayo balang araw sila ang magkakatuluyan...
hay naku!!! buti nalang at nakapanuod at ng cine recently. okey talaga yung WAR OF THE WORLDS at F4... bad trip nga lang at may ina-advertise na bagong basura na pilit nilang tinatawag na pelikula... ASTIG DAW OH!!! TAE NYO! dapat tawag dto "UNGGOY BLAND"!!! letse... trailer pa lang T.O. na ako... ETO ANG KATUTUHANAN MGA KABABAYAN, KAHIT NA MAGANDA PA ANG TEMA, STORYA, O KUNG ANU-ANO PANG SANGKAP NA KAILANGAN PARA MASABING DE-KALIBRE ANG PELIKULA, MAGALING NA DIRECTOR, MAY PONDO ANG PRODUKYON , MALAYO PA RIN MAKAKAGAWA NG TUNAY NA MAIPAG-MAMALAKING PELIKULA ANG ATING BAYAN SA NGAYON... BAKIT? KASI 90% NG MGA ARTISTA NATIN NGAYON AY PURO SABLAY... YUN LANG... di nyo carry mga tsong-go...
nung friday, sinawing palad ako na samahan ang isang alaga naming banda sa concert ng isang foreign band na ubod naman ng walang kwenta... WALA PA SILA SA KALINGKINGAN NG CHISILOG. gusto ko nga silang CHINELASin eh... sa totoo lang kahit isang piranggot na element para masabi kong interesting sila eh wala akong napala. tatlong kanta ang buong-dusa kong pinanuod wala talaga. skillful lang sila at magaganda ang mga gamit, lahat wireless. magaling din silang magpatunog ang instrumento at dumura. marami pa sana akong gustong sabihin tungkol dito pero baka marami ang masaktan...
sana nasa UP nalang ako nung mga oras na yun para naisalba ko ang mga kabanda ko sa napala nilang kapahamakan dulot ng isang di makabandang sound system, nalungkot nga ako kasi i was expecting na magiging okey ang set nila dahil sobrang okey nung practice pero ganyan talaga. iba talaga sa live. minus me, candyaudioline is just a very young band. ayn is almost five years, selena 3 years, kel and dennis barely five months. atleast nag-enjoy sila.
the weekend has again come to an end. we are to face a new one once more. a week full of uncertainty. as for me, tuloy pa rin ang depression, repitition, miscalculation, abomination, at mis-interpretaion... kung sa bagay, rainy days pa rin naman. and because of this, i'll end this entry with a rainy-day quote from one of the greatest yet ignored legend of our times... ako yun (",)
.... "precipitation inspire one's imagination and in the process gives rise to solutions which would be used later on to improve public relations"... (inspired by last months buzz night)