Monday, May 26, 2003

Ralph pakabit ka na kasi ng internet jan sa bago niyong kulungan ni Charmaine. Para ma upload mo na ng todo yung site at madalas ka makapag update dito... Sana naman yung site natin kasing ganda nung pinakita mo samin dati dito na rejected site na ginawa mo for some company ba yun? Rejected na yun sa lagay na yun ha. I don't know much about computers and website creations pero sana ok na ok yung atin. Tipong award winning ba. Total you're THE webmaster naman diba? Sana kita sa site natin yun. At sana mag iba naman ng kulay. Alam mo bang lagi ko naaalala ang UP Maroons uniform tuwing nakikita ko ang orange and red? Tignan mo itong blog. Puede naman siguro yung ibang kulay nalang. Pero wag sana yung tipong maaalala ko naman ang Ateneo, UST at La Salle.. Purple kaya? Kung gusto niyo ng light color, lavander. Bahala ka. If you need more pictures for the site, marami ako dito. Mga three albums worth of kendi pix.

If you guys have extra money, ambagan tayo for an album, photo album i mean. I want to work on a good one including mga souvenirs natin from gigs like fliers, tickets, food stubs, naputol kong string, magazine, newspaper, online articles, buhok ni Roel, putol na drumsticks ni Roel (posible ba yun), etc. A scrapbook might work better. The one I bought for Trista, costs around 500 bucks pero good quality: Makapal, hardcover, imported, acid-free, refillable, at puede lagyan ng plastic cover every page. Pero yung plastic cover costs around 300 pesos, 10 sheets. Yun eh, if you care na gumawa tayo ng ganun. Kung mabilisan lang puede normal album nalang pero di mailalagay yung mga makakapal na bagay like strings. Yung photo album na makapal na binili ko rin for Trista costs around 1000 pesos pero refillable. Problema lang di ko alam kung saan makakakuha ng refills.

Suggestion lang: yung library mo ng live videos ng kendi, ipa transfer mo sa VCD. If possible, maglagay ka rin sa site. Kung may copies tayo ng TV appearance like UNtv and MYX, itransfer narin. Tulad ng ginawa nila manyak boys. Lagyan mo sana ng tunog sa background yung site. Intro ng empty you, chipmunks version. Yung tunog pag tinatransfer sa CD/tape yung recording sa studio. Pero kung ganun, astig yung flaming walls or felt so fine. Bahala ka narin.

Kung ok lang sa inyo ni Charmaine, jan nalang tayo mag inuman pag uwi ni Selena. Sometime this week sana kasi busy ulit ako next week for registration sa first sem. Pero malabo makasama si Trista sa inyo baka di sha makatulog. OK din kung jan, para change venue naman.

Enjoy the rainy season.

Love and Slack,
Ayn Ruth Baudelaire

No comments: