Weeeeirrrrd…. Trippyyyyyyy….
O yan… weird and trippy na hehehehe ;)
The night of March 18, 2003 in the eyes of each candyaudioline member:
Ralph: Kasama ko si Charmaine… Kinikilig ako… uy dala ni Selena yung candymobile… sayang two songs lang… anong oras kaya kami makakatugtog?… three songs na natin, allan, KUPAL RULES!… sige, kaya yan, selena, mamaya pa kami magtotono… nge! Three songs nga!… ang bilis naman ng “felt so fine”!… May pansit rin ba kami?… sige, Mayric’s tayo mamaya!… dalhin mo na mobile, pa-gas na lang namin… yehey Mayric’s… walang tao… ang guwapo ni Roel… dead tuyay… ang sarap ng breaded porkchop ko… Ayn, “pretend” nga for soundcheck… saya, 12 songs!… sige,sa may pantranco na lang kami bababa… ba-bye!
Allan: Shit! 59 pesos na yung taxi eh nasa may UP Vanguard pa lang ako! 60 pesos lang pera koh!… hoo! Nakakapagod talagang maglakad… hoy simula na ba tayo?… shet, cellphone ko ang ingay… teka ha, nagkakaproblema pako sa Mayric’s… hoy,isa-isa lang!… miss, ito nga pala yung guest list ng kamikazee… O, selena, have you learned anything from last time?… three songs?? Sige, “felt so fine” na lang… putcha ang bilis!… aray naipit kamay ko, bad trip… Mayric’s tayo, ok lang? Chicharon bulaklak tayo dun… Mmm, sarap talaga with rice!… Kami nga pala yung candyaudioline. (eh ano ngayon?!)… Todo na ‘to—hindi, Ayn, hindi yun yung ibig kong sabihin… balik na tayong UP… Nasaan na kaya sina Sir Charles?… ‘wag naman diyan sa harap ng Bahay ng Alumni, sa tabi na lang—baka isipin nilang mayabang kami eh… sige, ingat.
Roel: Ayan, ang aga ko na naman! Ang galing ko talaga!… wow, may mga sticker pa kami na ID—astig!!!… uy, ayan na yung mga kabanda ko… o di ba? ang ganda talaga ng pajamas ko… Ano? Three songs pala? ‘Wag “felt so fine”! Sige na nga… Lan, ayoko nang mag Mayric’s, pagod nako… Basta daan muna tayong Warner, ha? Kunin ko lang sticks ko… Uy walang tao. Makisali kaya sa soundcheck nila… yes, led zeppelin intro… at kung anu-anong intro pa… introboys ako eh!… ‘Wag tayong mag “My Bloody”, sira yung snare eh, nasira ko… Lan, ayoko nang bumalik ng UP… sige na nga… salamat! Ingat!
Ayn: Pumapayat na ba talaga ako? Heehee… Ano ba yang ginagawa mo sa buhok ko, Chris?… Anong itsura?… Hi, Diego—Diego, si Selena… Yiheeeeee!… Uy, David, ginagamit ko pa rin bass mo!… Allan, “My Silverchair” tsaka “Empty You”, wala nang gagalaw dun!… habaan niyo na lang… Roel, habaan mo na, two songs na nga lang eh!!!… ay, three songs? Sige, “felt so fine”… ba’t ang bilis nun?… galing niyo din—hindi, sa CD… talaga, chris, pumapayat ako sa hair ko? Sige, magpapaganito na lang ako lagi… Allan, chicharon bulaklak… ‘wag muna tayong tumugtog, maiiwan yung chicharon dito kay chris… Allan, itodo mo rin yung sakin… hah, matagal pa tayo? Pwede ba akong magCR muna?… Uwi nako, pasundo ako kina selena… good night!
Selena: Agh, UP gig na naman, kinakabahan ako… lapag niyo muna dito yung mga gitara… ano ka ba, ralph ang ingay mo… ha? Eh magkakilala na kami niyan!… uy grabe naman kayo nakakahiya yan ha… Kwissy, why you teasing me? Sige, break na tayo, kunin mo na gamit mo… uy, tono na daw tayo kasi mabilis daw ang palitan dito… Wag tayong mangupal—two songs na lang tayo, basta may empty you… yes, tapos na,okay… hah? Three songs??… “felt so fine”??? God save me… Thanks for having us here… Pwede ba kaming kumuha ng pansit? Kwis, you want?… Allan, pwede ba? Enough with the mic issue already! I learned my lesson… Uy, si Meryl nakarating!… Mayric’s? My mom will kill me if I bring the car… wow, 12 songs? Sige… *sigh* ang sarap talaga ng chicharon bulaklak with rice… (11th song na) pagod nakohhhh… uwi na tayo please… ingat people!
hoy allan...wishing ka pala na iba yung vocalist ha. humph!
No comments:
Post a Comment